Biyernes, Enero 3, 2014

Pang-apat na Hantungan: Historic Camalig Restaurant


 Para naman sa aming merienda, pumunta kami sa Historic Camalig Restaurant sa Angeles City. Dito mahahanap ang pambansang pizza ng Pampanga. Ang Aramando's Best. Ito ang pinaka-mabenta sa Camalig Restaurant. Kumain kami dito ng Armando's Best Pizza at nabusog naman kami dito dahil  napakasarap nga ng pizza na ito. Ito ay punung-puno ng mga sangkap na green bell pepper, pepperoni, mushroom, sausage at beef. Pagkatapos ng aming merienda ay umuwi na kami sa Maynila na may mga masasaya at busog na tiyan. Labis akong natuwa sa aming pinuntahan sa araw na ito. Sana ay makabalik kami dito ulit! :)

Pangatlong Hantungan: Everybody's Cafe

 Para sa aming tanghalian, sa Everybody's Cafe kami kumain. Ito ay nasa Angeles City malapit sa Nepo Mall. Ang kinain naman namin dito ay ang sikat na Betuteng Tugak, Arobung Camaru at Everybody's Morcon. Ang tatlong iyon ay ang mga espesyalidad ng Everybody's Cafe.

Ang Betuteng Tugak o ang tinatawag na Stuffed Frog ay palaka na prinito na may laman sa loob. Masarap ito at lasang fried chicken. Ang Arobung Camaru naman ay mga prinitong crickets. Masarap din ito at lasang bacon naman. Huwag mo lang iisipin ang itsura nito upang hindi ka mandiri. Ang Everybody's Morcon naman ay isang meat roll. Ang morcon ay isang pagkaing inihahanda tuwing Noche Buena subalit ang pinagkaiba nito ay ang Everybody's Morcon ay may nilagang itlog, queso de bola at chorizo. Lahat ng mga kinain namin dito ay masarap/ Kung gusto mong pumuntang Pampanga kumain ka dito para malasahan mo rin ang kultura ng Pampanga! :)






Pangalawang Hantungan: Susie's Cuisine


 Dumayo kami sa Susie's Cuisine sa San Fernando, Pampanga. Sinasabing ang Susie's Cuisine ang nagbebenta ng isa sa mga pinakamasasarap na kakanin sa Pampanga.

Bumili kami dito ng Tocino del Cielo, Rice Cake at Cassava Cake. Ang ibig sabihin ng Tocino del Cielo ay maliliit na leche flan. Hindi ito yung literal na tocino talaga. Nagulat din kami kung bakit ganoon ang pangalan niya. Masarap naman ito at may katamtamang tamis. Ang Rice Cake at Cassava Cake ay isa sa mga mabebenta nilang kakanin. Masarap ito at yung Cassava Cake naman ay may cheese sa ibabaw. Kung gusto niyong pasalubungan ang iyong mga kamag-anak pwedeng-pwede mo sila dalhan ng ganito! :)

Unang Hantungan: Razon's of Guagua :)


  Sa totoo, lang hindi namin akalain na mapupunta kami dito dahil nag-stop over lang kami sa isang gasolinahan. Nakita namin na may Razon's pala dito kaya kumain na rin kami dito. Kami nga pala ang unang pangkat at ang paksa namin ay mga pagkain sa Pampanga :)

  Isa sa mga kinain namin sa Razon's ay ang sikat nitong halo-halo. Sikat ito hanggang dito sa Maynila. Masarap ito. Sakto lang ang tamis ntio kaya hindi ito masakit sa lalamunan. May mga sangkap ito na leche flan, saging at iba pang mga prutas. Kumain rin kami ng palabok. Isa ito sa mga espesyalidad ng Razon's. Ito ay pancit. May chicharon ito sa ibabaw. Syempre, masarap rin ito.